at ito ay nag sisimbolo sa pilipinas..
Ang mga vinta, kasabay ang mga tagasisid ng perlas at mga samal na badjao, ay humuhubog sa romansa ng pulo ng Mindanao. Ang makukulay nitong layag ay gumagayak sa magandang larawan ng takipsilim sa Timog Mindanao na humahalina sa mga may mapangahas na loob na subukin ang ligaya at hiwaga ng pagsabay sa agos ng malalaking alon. Hanggang ngayon, ang mga vinta ay patuloy pa rin sa paglayag at paglipana sa mga dalampasigan, lalung-lalo na sa mga bakasyunan para sa mga turistang nagnanais ng kakaibang romansa.

No comments:
Post a Comment